47
PBA semis: Ginebra nakaisa sa TNT
By

Iba’t-ibang senaryo sa Govs’ quarters pairing

Marami pang posibleng mangyari sa standings hanggang matapos ang final game ng PBA Governors’ Cup eliminations sa double-header mamaya sa Ynares Center, Antipolo.

Magtatagpo sa first game ang 8-2 NLEX at 4-6 Alaska, sa nightcap ang 6-4 San Miguel Beer at 7-3 TNT.

Ang pairing sa quarterfinals: 1 vs. 8, 2 vs. 7, 3 vs. 6 at 4 vs. 5. Twice-to-beat ang 1-4.

Magiging No. 7 ang Aces kapag nanalo at No. 8 ang NorthPort sa bisa ng winner-over-the-other rule. Tinalo ng Alaska ang Batang Pier 106-99. Malalaglag sa 9th ang Columbian. Out na rin ang Rain or Shine.

Kung matatalo ang Alaska, angat sa No. 7 ang NorthPort at playoff para sa last quarters berth ang Aces at Dyip.

Matalo o manalo, top seed na ang Road Warriors.

Kung mananalo ang SMB, aangat sila sa No. 4 at bababa sa No. 5 ang TNT.

Sakaling manalo ang KaTropa, sila ang No. 3 at bababa sa No. 4 ang Ginebra.

Manitili sa No. 3 o malalaglag sa No. 4 ang Gins, posibleng alinman sa sister teams nilang SMB at Magnolia ang makakatapat.

Kung mananalo ang NLEX at TNT, papalitan ng KaTropa ang Meralco (8-3) sa No. 2 dahil din sa winner-over-the other rule.

Kung mananaig ang SMB ay Manila Clasico ang quarters sa pagitan ng Gins at Hotshots.

Umpisa na rin ‘yun ng virtual best-of-thee sa pagitan ng Beermen at KaTropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?