364

By

Iba’t ibang celebs nagsama sa 18th birthday nina Mavy, Cassy

Sharing is caring!

Nagdiwang ng kanilang 18th birthday ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Maverick at Cassandra nitong January.

Bongga ang ginanap na party na dinaluhan ng iba’t ibang celebrities mula sa iba-ibang TV networks.

Sa Instagram ng Nice Print Photo, ibinahagi nito ang ilang kuha sa naturang party.

Kabilang sa dumalo sa okasyon sina Rayver at Rodjun Cruz, Miguel Tanfelix, Kathryn Bernardo, Janella Salvador, Kyline Alcantara, Angelina Cruz at anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?