84

By

Iba’t ibang baril, narekober sa Marawi

Sharing is caring!

Iba’t ibang klase ng armas na umaabot sa 30 na pinaniniwalaang pag-aari ng Daesh Inspired Maute Terror Group ang narekober ng militar sa lungsod ng Marawi kahapon ng umaga makaraan ang 26 na araw nang ideklara ang Marawi liberation.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-Ann Petinglay, alas-siyete ng umaga kahapon nang marekober ang mga armas.

Sa lake area sa harap ng isang gusali na nagsisilbing last stand ng mga terorista sa Barangay Marinuat, Marawi City nakuha ang mga baril nang magsagawa ng clearing operation ang mga waterborne personnel ng AFP.

Sinabi naman ni 1st Infantry Division Commander Brig General Roseller Murillo, ang mga armas na nakuha ay isang caliber 50 machine gun, tatlong M60 machine guns, 12 M14 rifles, apat na caliber 50 sniper rifles, dalawang AK47 rifles, dalawang carbine rifles, tatlong FAL rifles, isang M79 rifle at dalawang M16 rifles.

Nagpapatuloy, ayon kay Petinglay, ang search and rescue operation ng militar sa Marawi City upang magkaroon ng gun-free at drug-free Marawi. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?