64
mrtirik
By

Iba’t ibang aberya sa MRT, lumalala

Muli na namang nagkaroon ng aberya ang mga biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa kabila ng paninigurong magiging maayos na ang takbo nito ngayong Pebrero dahil umano sa pagdating ng spare parts mula sa bagong maintenance provider.

Napapakamot-ulo na lang ang mga pasahero dahil sa pagtitiis sa mahabang pila para lamang makasakay ng tren sa kabila ng pagkakaroon ng P2P buses sa EDSA.

May isyung nakasakay na ng MRT subalit pinababa ang may 1,000 pasahero dahil sa pagtirik na naganap Biyernes ng alas-4:40 ng hapon sa southbound ng Santolan station dahil umano sa nagkaproblema ang gulong nito.

Ayon pa sa DOTr, wheel slipping o skidding ang nakitang problema sa tren. Ibinalik ito sa depot para mapalitan ng wheel set component upang matiyak na ligtas itong gamitin.

Sa ngayon ay walong tren ng MRT na lamang ang tumatakbo kaya naaantala ang mga biyahe dahil na rin sa dami ng pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?