33

Oct 21, 2017 @ 16:30

Ibang problema sa paliparan, tutukan – Poe

Hinikayat ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na bigyan din ng pansin ang iba pang problema sa mga paliparan.

Ito ay sa kabila ng kasiyahan ng mambabatas na naalis na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa talaan ng ‘worst airport ‘ sa buong mundo.

“It is a welcome relief to be removed from the worst airports list. But we need to aim higher. Until now, long immigration lines, poor air-conditioning systems, congested runways, to name a few ubiquitous problems, plague our airports,” saad ni Poe.

Ayon sa senadora, hindi dapat makuntento ang pamahalaan sa pagkakaalis sa talaan sa halip ay pagsikapan pang mas maging maayos ang serbisyo sa taumbayan.

“We should strive not just to be out of the worst list, but to be in Asia’s, if not the world’s best airports,” dagdag ni Poe. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?