16

Oct 19, 2021 @ 15:30
By

Ibang lugar bukod sa NCR swak sa Alert Level system

Pinalawig na ng Inter-Agency Task Force ang implementasyon ng alert level system sa labas ng Metro Manila bilang batayan ng community quarantine status sa harap ng dinaranas na COVID pandemic.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na magiging epektibo October 20-31, 2021.

“Simula bukas, a bente ng Oktubre ay inexpand na ang alert level system sa labas ng Metro Manila,” ani Roque.

Tinukoy ni Roque ang mga lugar sa bansa na sasailalim na sa alert level system na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.

Alert level 4
Negros Oriental at Davao Occidental

Alert level 3
Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao del Norte.

Alert level 2
Batangas, Quezon Province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao Oriental.

Matatandaang ang alert level system ay unang ipinatupad sa Metro Manila ng dalawang linggo at pinalawig muli matapos makitang bumaba ang kaso ng COVID cases sa Kalakhang Maynila.

Kakabit ng implementasyon ng alert level system ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga lugar lamang na kontaminado ng COVID-19 na ang ibig sabihin, ang isang bahay o kalye o komunidad lamang na may COVID contamination ang ila-lockdown at hindi ang isang buong bayan o lungsod. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?