84

Jan 3, 2020 @ 13:27
By

Ibang koponan, wala nang pake kay Blake Griffin

Hindi na matunog ang pangalan ni Blake Griffin para sa ibang koponan.

Matapos magpasiklab ng 44 puntos kontra dati niyang team na Los Angeles Clippers noong nakaraang season, tila umuunti na ang interes para sa 2011 NBA Rookie of the Year.

Sa kanyang ikalawang season sa Detroit Pistons, bumaba ang kanyang production sa 15.5 points, 4.7 rebounds at 3.3 assists kasunod ng naging knee injury nito noong 2018.

Saad sa report ni James Edwards III ng The Athletic, kakailanganin pang magsama ng isa pang asset ang Pistons para lang maligawan ang ibang koponan na kunin ang six-time All-Star.

Ito’y lalo pa’t hindi nito maibangon ang Pistons, na lugmok sa 12-22 win-loss record, pang-11 sa Eastern Conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?