308

Oct 25, 2020 @ 20:58
By

Ibang kandidata sumuway sa rules! Kampo ni Michele binanatan Miss U PH

Nagsalita na ang campaign manager ni Michele Gumabao dahil sa umano’y pagsuway ng ilang kandidata sa rules ng 2020 Miss Universe Philippines.

Sa Instagram story ni Diemmy Tatlonghari, campaign manager ni Michele, sinabi nito na mayroon aniyang mga kandidata na nagdala ng kanilang mga sarilimang makeup artist sa laban.

“One of the rules is not having your glam team. No hair and make up help from anyone,” ayon kay Diemmy. “But yet some of the girls had their MUA (makeup artist) and whole glam team in there, helping in them.”

Saad pa ni Diemmy, hindi sila bitter sa pagkatalo ng kanilang mga pambato at nais lang ilabas ang katotohanan.

Si Gumabao ay bigong makoronahan bilang 2020 Miss Universe Philippines at pumwesto lang bilang 2nd runner-up.

Binanatan din ni Diemmy si Miss Universe Philippines Organization national director Shamcey Supsup na dapat ay sundin din nito ang kanyang sinasabi tungkol sa pagiging ‘true queen’.

Isa din sa mga may reklamo sa naging beauty pageant ay si Taguig bet Sandra Lemonon, na aniya’y may malaking pasabog na ilalabas tungkol sa kompetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?