24

By

Ibalik na sa P8 ang pamasahe – Abayon

Sharing is caring!

Hindi pa man lubusang naipatutupad, ipinababawi na ng isang kongresista ang inaprubahang taas-singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney at bus sa Metro Manila, Regions 3 at 4.

Ito ay ayon kay Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon III ay dahil bumaba na ang presyo ng langis sa world market.

Iginiit ni Abayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik sa P8 mula sa P10 ang minimum fare sa pampasaherong jeep.

“Sa mga nakalipas na linggo, malaki na ang nabawas sa presyo ng krudo sa mga gasolinahan, kaya naman dapat bawasan na din ang singil sa pamasahe para agad na makinabang ang milyung-milyong commuters,” sabi ni Abayon.

“There is no more economic and legal basis for the current levels of public transport fares. LTFRB would be wise to convene soon and return jeepney fares to P8.00 for the first four kilometers,” dagdag ng kongresista.

Hinikayat rin ni Abayon ang LTFRB na sundin ang ‘parametric formula’ ni Transportation Sec. Arthur Tugade kung saan awtomatikong ma-a-adjust ang PUV fares nang hindi na kinakailangan ang petisyon.

Sa rekumendasyon ni Tugade, ibabase ang fare adjustment sa inflation at paggalaw ng presyo ng krudo sa world market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?