4,925

Ibalik na sa kulungan si Enrile – Villarin

Sharing is caring!

Malakas na diumano si dating Senate President Juan Ponce Enrile kaya’t dapat na itong ibalik sa kulungan.

Ito ang sinabi ni Akbayan Rep. Tom Villarin matapos magboluntaryo diumano ang 94 anyos na dating senador sa mapasama sa miyembro ng prosekusyon para sa impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si Enrile, na nahaharap sa kasong plunder dahil sa kanyang papel sa bilyong pisong ‘pork barrel’ fund scam, ay pinalaya noong 2015 matapos makapagpiyansa dahil sa ‘humanitarian reason’ bunsod na kanyang pangit na kondisyon noon sa kulungan.

Nakulong siya ng lagpas isang taon sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

“He was released… based on physical incapacity because he’s 94 years old, so if he is agile and can move then perhaps he should be put back in jail,” pahayag ni Villarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?