97

Jan 15, 2019 @ 14:38
By

Iba pang tourist spots hindi apektado ng Manila Bay rehab – DENR

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi maaapektuhan ang mga pagbabagong ginagawa sa ilang tourist island resorts sa bansa sa binabalak na rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Environment Usec. Juan Miguel Cuna, hindi mawawala sa kanilang paningin ang iba pang mga kilalang tourist destinations sa bansa.

Aniya, nagpapatuloy naman ang rehabilitasyon sa El Nido sa Palawan, Panglao sa Bohol, Siargao sa Surigao del Norte at Puerte Galera sa Mindoro.

Gayundin aniya sa isla ng Boracay, na isinara pa ng anim na buwan para sa rehabilitasyon.

Pagdidiin pa ni Cuna, malaki ang gagastusin at trabaho sa paglilinis sa Manila Bay ngunit magagawa ito sa pamamagitan ng suporta mula sa gobyerno.

“The rehabilitation of Manila Bay will forsake a lot of time and effort but if the national government is fully behind like what we saw here in Boracay, nothing is impossible,” aniya.

Inaasahan na ngayong araw ay pormal nang ipiprisinta ang plano para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?