109

Oct 30, 2020 @ 14:55
By

Iba pang pag-abuso ni Amb. Mauro ibubunyag – Zubiri

Nakabalik na umano sa Cotabato ang Pinay na kasambahay na minaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro at nakahanda umanong ibunyag ang lahat ng ginawang pag-abuso sa kanya ng nasabing opisyal, ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri.

Sa panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Zubiri na nakausap niya ang anak na babae ng biktima at maayos naman ang lagay ng kanilang ina at nakahanda rin umano itong magbigay ng salaysay sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The daughter spoke to us and she told us that her mom is in better spirits now. She is happy that she’s home safe and sound,” pahayag ni Zubiri.

“And she is very willing to give a statement to the Department of Foreign Affairs and an affidavit to itemize and put on record all the abuses done to her by Ambassador Mauro,” dagdag pa nito.

Sabi ni Zubiri, noong isang araw pa lumapit sa kanya ang inabusong Pinay, na pinangalanan ng DFA na si Leonila de Ocampo at nagpadala na rin siya ng tao sa tahanan nito para mabigyan ng tulong.

“She (Mauro) was caught red-handed. It’s horrible, no Filipino should go through this maltreatment,” sabi nito matapos mapanood ang video footage ng ginawang pananakit ni Mauro sa biktima.

Para maiwasang maulit ang insidente, iminungkahi ni Zubiri ang pagkakabit ng CCTV sa lahat ng embahada at tahanan ng mga diplomat sa ibang bansa.

“It’s a black eye to the Department of Foreign Affairs, that’s why the quick action on the part of the DFA is very welcome,” ayon kay Zubiri.

Sabi pa ni Zubiri, tatlong kaso ang posibleng kaharapin ni Mauro, ito ay paglabag sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; Article 266 ng Revised Penal Code “for inflicting slight physical injuries and maltreatment”; at paglabag sa RA 10361 o Kasambahay Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?