159

Oct 16, 2017 @ 15:13

Iba pang bihag ng Maute, sagipin – Marawi bishop

Umaasa ang isang obispong Katoliko sa Mindanao na magiging hudyat na ng nalalapit na pagtatapos ng giyera sa Marawi City ang ulat na napaslang na ang pinuno ng Maute-ISIS group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Sinabi ni Marawi Bishop Edwin Dela Pena na maituturing na welcome development ang nangyari.

“Secretary Lorenzana just did the confirmation of the death of the two top leaders of the Marawi siege. Crumbling leadership signals the beginning of the end,” ang saad ni Dela Pena.

Samantala, patuloy umano siyang mananalangin na masasagip ng mga sundalo ang nalalabi pang mga bihag ng mga terorista.

Umaasa rin si Dela Pena na sa lalong madaling panahon ay masisimulan na ang rehabilitasyon sa Marawi para unti-unti nang makabalik sa normal ang buhay ng mga residente sa lungsod. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?