58

Dec 5, 2017 @ 12:24
By

Iba pang bakuna, huwag igaya sa “denggoyvaxx” – Recto

Kung may isang aral anya na natutunan sa kapalpakan ng dengue vaccine, ito anya ay huwag na muling payagan na gamitin ang mga kabataang Filipino sa eksperimento, ayon kay Senador Ralph Recto.

“If there’s one lesson o be learned from the Denggoyvaxx, it is that Filipino children should not be made guinea pigs again,” saad ni Recto.

Sinabi ni Recto na sa susunod na taon ay nakatakdang bumili ng P7.4 billion na halaga ng bakuna ang pamahalaan.

Dapat anyang tiyakin ng gobyerno na ligtas sa kalusugan ang mga susunod na bakuna na ibibigay ng Department of Health (DOH).

Sa P7.43 billion, target sa 2018 public vaccination program ang full immunization sa 2.7 million infants kung saan 1.4 million ang bibigyan ng pneumococcal vaccine.

Lahat naman ng sanggol ay bibigyan ng Japanese Encephalitis vaccine habang karagdagang 2.1 million Grade 1 at 1.7 million Grade 7 ang bibigyan ng anti-Tetanus-Diptheria at measles vaccines.

Nasa 2.7 million na buntis din ang bibigyan ng tetanus vaccine habang 1.2 million ang bibigyan ng flu shots at 1.3 million na senior ang babakunahan ng panlaban sa pneumonia. (Dang Samso-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?