3,774

By

Iba pang baho ng mga pari, ibubulgar ni Duterte

Sharing is caring!

Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagmamalinis ng mga pari at paglalarawan sa pamahalaan, mga sundalo at pulis na demonyo.

Ginawa ito ni Pangulo sa harap ng mga bagong promote na opisyal ng unipormadong serbisyo kasunod ng paninisi sa kanya ng simbahan sa serye ng pagpatay at tangkang pagpatay sa mga pari kamakailan.

Sinabi ni Dagupan-Lingayen Archbishop Socrates Villegas na dumadami ang mga krimen laban sa mga pari dahil mga atake ni Pangulo sa mga ito.

Sa loob ng anim na buwan tatlong pari na ang napapatay kabilang sina Fr. Marcelito Paez, Fr. Mark Ventura, at Fr. Richmond Nilo.

Itinanggi ni Pangulo na inuusig niya ang mga pari tulad ng sinasabi ng simbahang katolika.

Ayon kay pangulo ang dapat na gawin ng mga pari ay itigil ang pagpapanggap nito na santo dahil ito rin ay nakikipagrelasyon sa mga babae.

Una nang inilabas ni Pangulo ang isang matrix na nagpapakitang posibleng may kinalaman sa relasyon ni Fr. Ventura sa mga babae ang pagkamatay nito.

Ibinigay aniya ang matrix sa chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi ni Pangulo na mayroon pa siyang hawak na impormasyon na ayaw sana niyang isapubliko dahil posibleng makasira sa simbahan.

Pero babala ni Duterte, kung patuloy siyang sisigawan ng simbahan, isisiwalat niya ang mga baho ng iba pang pari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?