5

Mar 12, 2021 @ 15:38
By

Iba nakuha sa lamay: 35 bagong COVID case sa Tagaytay

Nakapagtala ng 35 bagong kaso ng coronavirus disease sa Tagaytay City sa Cavite, 25 sa mga ito ay nakuha sa lamayan.

Sa Facebook post ng local government, 19 sa 25 nakipaglamay at nakakuha ng virus ay mga residente ng Barangay Tolentino West kung saan isinagawa ang lamay. Nasa anim naman ay mga senior citizen.

Kamakailan naglabas si Mayor Agnes Tolentino ng kautusan kung saan kabilang ang probisyon na nagre-require na tatagal lamang ng tatlong araw ang lamay.

Nakasaad din na immediate family member lamang ang makakadalo sa lamay.

Simula ng pandemya ay nakapagrehistro na ang Tagaytay ng 318 kaso, 260 nakarekober at pitong pumanaw habang 51 ang active case.

Kasalukuyang nasa ilalim ng modified general community quarantine ang Tagaytay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?