156
KARLO NOGRALES
Mar 23, 2020 @ 13:58

IATF walang utos na ‘no face mask, no entry’ sa mga tindahan

Walang kautusan ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na “no face mask, no entry” sa mga supermarket at botika, sa harap ng peligrong dulot ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na ang pinakikiusap lamang ng gobyern sa publiko ang pag-obserba sa social distancing para makaiwas sa sakit.

Sa pamamagitan aniya ng social distancing ay mababawasan ang peligro na mahawa ang isang indibidwal sa posibleng carrier ng virus.

“Wala po tayong ganyang utos. Ang inilabas lang po natin ay ang pag-observe sa social distancing,” wika ng kalihim.

Nagrereklamo ang ilang mamamayan dahil hindi umano sila pinapapasok sa mga supermarket at drugstore nang walang suot na face mask, kahit pa wala na silang mapagbilhan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?