55

Jul 28, 2021 @ 13:36
By

IATF panay-panay ang pulong para sa bagong community quarantine classifications

Mayroon ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force para sa bago quarantine classifications sa buwan ng Agosto.

Tugon ito ng Palasyo sa mungkahi ng OCTA Research na ilagay sa two-weeks circuit breaker lockdown ang Metro Manila dahil sa tumataas na namang kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet at IATF Vice-Chairman Karlo Norgrales na pinag-aaralan na ng IATF at mga eksperto ang mga numero ng COVID cases sa bansa bago gumawa ng naaayong desisyon .

“Lahat ng mga numero tinitingnan natin, at in fact noong Martes nag-meeting ang IATF at may mga recommendations tayo ng community quarantine classifications sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa,” ani Nograles.

Inabisuhan na aniya ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan para may pagkakataon pang umapela bago ianunsiyo ang magiging bagong quarantine classifications sa susunod na buwan.

“Yung DILG ay nakikipag-ugnayan na sa LGUs, binibigyan na sila ng advance notice sa aming irerekomenda kay Pangulong Duterte para sa community quarantine classifications for August para mabigyan ng pagkakataong umapela ,” dagdag bi Nograles.

Pero nilinaw ng kalihim na may kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na magpatupad ng lockdown sa kanilang lugar kung inaakalang peligroso na sa ibang mamamayan ang kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

“Mayroong authority ang LGUs to impose hard lockdowns sa mga barangay, localized or granular lockdown sa mga barangay, lurok, street, building kug may nakikitang pagtaas ng kaso basta lang mag coordination sa regional IATF,” wika ni Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?