79

Jan 27, 2021 @ 16:53

Ian naasar sa blind item

“I don’t need to defend myself from the lies of perverts.”

Nakalagay ito sa isang Instagram post ni Ian Veneracion ngayong Miyerkoles.

Bagaman wala siyang pinatutungkulan, maugong ngayon ang isang blind item ng Philippine Entertainment Portal na tungkol sa isang guwapong aktor na pinagdudahang hiwalay na sa asawa at nangangaliwa umano kasama ang isang magandang starlet, na ang dyowa ay galing sa isang kilalang pamilya.

“I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment. I don’t need to defend myself from the lies of perverts,” ang mababasa sa larawan ng IG post ni Ian.

“Once upon a time I was pissed. #happilymarried,” sabi niya naman sa caption.

Samantala, pinagtanggol naman ni Javi Benitez ang kanyang nobya na si Sue Ramirez mula sa nasabing blind item.

“Hindi starlet si Sue at hindi siya ganyang babae. Mali hula niyo kaya itigil nyo na yan,” banat ni Javi sa isang Instagram commenter ni Sue.

Sa ngayon, hindi pa nagsasalita sa isyu si Sue. Kasama ng aktres si Veneracion sa TV series na “Oh My Dad.”

Samantala, si Benitez ay anak ng Negros Occidental politician-businessman na si Albee Benitez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?