100

By

I-trade na! NLEX nangangating makuha si Jericho Cruz

Ang matagal nang binuro ng TNT KaTropa, kating-kati nang masungkit ng sister team na NLEX Road Warriors.

Sa panayam kay NLEX acting coach Jojo Lastimosa matapos ang 120-105 loss kontra Columbian Dyip, isa si Jericho Cruz sa gustong makuha ng kanilang koponan para makadagdag ng isa pang scorer sa tropa.

“We don’t know yet but Jericho has been on the trading block for a while dahil nilagay na siya sa freezer. And naghihintay lang kami ng tamang trade package for him para makuha naming siya. We’re working on it and definitely most likely next week maayos na yan,” ayon kay Lastimosa.

Dalawang buwan nang natengga ang career ng 28-anyos na baller, wala namang napaulat na may injury ito ngunit inilagay ng TNT sa restricted free agent list.

Kaya’t saad nito na sana’y sa susunod na laban ng kanyang bataan, nasa kanilang panig na ang dating Adamson star.

“Best case scenario dito is may trade kaming hinihintay (if) Jericho will come in. Jericho will definitely help,” saad ng NLEX mentor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?