6

Jan 23, 2021 @ 17:02

I Object bumandera

Ipinakita ng dehadong I Object ang husay sa banderahan matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sinunggaban agad ni I Object ang unahan paglabas ng aparato at lumamang ito ng dalawang kabayo sa sumesegundong Hunyo Disenueve.

Nirendahan ni apprentice rider EA Abrea, umabot sa apat na kabayo ang agwat ni I Object papasok ng far turn.

Naagaw ni Put Atigerinurtank ang segundo puwesto at lumapit sa winning horse sa huling kurbada.

Pero nanatiling matatag si I Object at muling lumayo sa rektahan para angkinin ang panalo.

Nakapagtala ng tiyempong 1:21.6 sa 1,300 meter race si I Object sapat para hamigin ang P40,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Dumating na segundo si Put Atigerinurtank, nakopo nito ang P10,000 habang P5,000 ang napunta sa tumerserong Big Big Brown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?