165

By

I-disqualify ang Mislatel bilang 3rd telco player – Infrawatch PH

Sharing is caring!

Naglabas ng pahayag ang Public Policy think tank Infrawatch PH na nararapat umanong ma-disqualify ang Mislatel mula sa pagkapanalo nito kahapon sa bid para sa pagiging third telco player ng bansa.

Ayon kay Infrawatch PH lead convenor at dating Kabataan party list Rep. Terry Ridon ang Mindanao Islamic Telephone Co. ay nabigong makapag-franchise noong 2003 matapos itong hindi makapag-comply sa mga requirement ng congressional franchise.

“Sorry to rain on the parade of the Mislatel consortium, but the public needs to know that the franchise of Mislatel is non-operational. In fact, it has been automatically revoked in 2003 for its failure to join the stock market. We have checked the list of companies currently in the PSE, there is no publicly traded entity named Mislacom.” saad ni Ridon na dating miyembro ng House of committee on legislative franchises sa 16th Congress.

Dagdag pa ni Ridon hindi lamang dapat ipagpaliban ng DICT at NTC ang preliminary award sa Mislatel bagkus ay dapat umano itong tuluyang i-disqualify dahil sa ginawa nitong misrepresentation.

“Mislacom has ipso facto lost its franchise in 2003 yet it has represented itself as in possession of a valid and subsisting franchise before our government authorities.” giit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?