7

Aug 9, 2020 @ 15:09
By

I Belong to the Zoo singer, COVID-19-positive

Inanunsiyo ni Argee Guerrero ng I Belong to the Zoo na tinamaan siya ng coronavirus disease 2019.

“Tested positive for mild Covid. Quarantined in my room since July 26,” caption ng “Sana” singer, Sabado ng gabi.

Pero tiniyak naman niya sa madla na “everything is slowly going back to normal”.

Makaulit niya ring pinaalala na manatili na lang sa bahay at suotin nang maayos ang face mask kapag lalabas.

“The latest toys, shows, streetwear and gadgets can wait. You and your old hobbies can wait. Stay at home,” aniya pa, kalakip ang kanyang selfie na naka-peace sign.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?