469

By

‘I am happily kabit ni Tony Boy!’ — GRETCHEN

Sharing is caring!

Usong-uso ang pagsagot sa mga isyu ngayon via Instagram live, ha! Nauna na si Kris Aquino, at ngayon naman ay si Gretchen Barretto.

Anyway, nag-sorry na nga si Gretchen, kasama ang mga kaibigan niyang sina Patty Pineda at Mimi Que sa pagtawa nila sa sulat ng isang fan na humihingi ng tulong sa kanila.

“Good vibes only. No hatred please. Let’s just love one another,” bungad na say ni Greta.

“My Dada (tawag niya kay Tony Boy Cojuangco) is laughing at me, bina-bash ako. Sabi niya kasi, tigilan na ang mga Instagram account. Sana raw patayin ko na ang mga Instagram ko. Tuwang-tuwa siya na bina-bash ako,” sundot pa ni Gretchen.

“Kung may kasalanan ako doon na tawa ako nang tawa imbes na basahin ng diretso ang letter…. We all take responsibility for what we did. I apologize. We apologized right after na we all laughing that night.

“Very inappropriate na nag-behave kami ng ganun. Sorry po nakakalimutan ko na 48 years old na ako,” sey pa rin ni Gretchen.

“Lahat ng mga akusasyon niyo I am ready to answer it one by one.

“Isa sa mga batikos sa akin, matapobre raw ako. Mga kaibigan you can accuse me of many things, nasty things. Puwede niyo akong sabihan na malandi, I will accept it. Sabihan niyo ako na baduy, bagong yaman, I will accept it.

“Sasabihin nilang kabit ako, aaminin ko, for the past 23 years or almost 24 years, opo kabit po ako ni Tony Boy Cojuangco. Kung sasabihin niyo sa akin ‘yan five years ago maglulumpasay ako. Halos magpakamatay ako sa sobrang sakit sa dibdib ko pag tinawag akong kabit.

“But right now, you can call me kabit, I am happily his kabit. I am happily his mistress. Yes it is true, maybe he will never marry me. I will never have that dream to walk down the aisle, but who cares.

“I have a very flawed life, at flawed relationship. But I’m happy. He understands me fully, he love me fully. So, who am I to complaint? Life is not perfect.

“Nanggaling ako sa buhay na pobre, that fact na nagtrabaho ako at 12 years old, to pay rent, wala kaming sariling bahay, we had to pay electricity, hindi ko ikinahihiya yon. So, hindi ako puwedeng maging matapobre kung doon ako nanggaling. Imposible maging matapobre ako, at yun po ilalaban ko,” say pa ni Greta.

Anyway, mahaba ang Instagram live na ‘yon ni Gretchen, at sinagot din niya ang iba pang mga akusasyon ng mga nanonood at that time, tulad na lang nu’ng netizen na tinawag siyang ulol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?