215

Apr 29, 2018 @ 19:49
By

‘I am a witch, not a bitch!’ – Kris

Nagdeklara na si Kris Aquino na tapos na ang naganap na pangyayari sa kanyang buhay nitong nakaraang mga linggo. Oras na raw para simulan ang kasunod na chapter, ayon sa post niya sa Instagram.

Ipinaalam lang ni Kris na hindi niya ipinagmamalaki ang kanyang mga pagkakamali. “…but I’m a WOMAN enough to own them. And I’ve lived enough how to know that when I make a stand, I don’t shiver, quiver or waver when I unleash th haters…I get wiser, stronger, and better. After all, I AM A MOTHER.”

Kung patuloy naman sa pandededma si Korina Sanchez sa inilabas na bagsik ng Queen of All Media, tuloy pa rin ang huli sa pagpatol sa mga hater niya gaya ng isang @hamipunongbayan na nagkomento ng, “Broom, broom broom.” Tugon ni Kris sa netizen, ‘Because I am a witch not a bitch.’

Pero kapag may magandang komento sa kanya, sinusuklian naman niya ito ng pasasalamat.

Sa totoo lang, kahit mag­babalik sa pelikula si Kris, patuloy pa rin siyang manggigiyera sa social media lalo na kapag ang mga anak na sina Joshua at Bimby ang kinanti ng mga netizen, huh! (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?