50

Feb 22, 2021 @ 19:27
By

Hyun Bin, Son Ye Jin may mensahe sa kanilang mga Pinoy fan

Heads up mga CLOY fan!

May mensahe sina Korean star Hyun Bin at Son Ye Jin ng “Crash Landing on You” (CLOY) para sa kanilang mga Filipino fan.

“Hello. This is Hyun Bin. I have been given another chance to meet you all through Smart’s new campaign video. I hope that you’ll continue to support Smart and me. I wish you a Happy New Year. Please keep yourselves healthy and warm this year,” anang aktor sa isang video na ibinahagi ng Smart.

“I may not be able to meet you all in person but I’m very happy that I can greet you through this video,” sambit naman ni Ye Jin.

“Last year was a difficult year for everyone. I sincerely hope you become happier this year. I hope to see you soon. Stay healthy until then,” pagpapatuloy niya.

Ani Jane Basas ng Smart, mag-oorganisa sila ng isang live virtual event kasama ang dalawang lead star para sa mga Pinoy fan.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Basas na tuloy pa rin ang naka-iskedyul na pagbisita ng dalawa sa bansa dahil bahagi ito ng kanilang pinirmahang kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?