38

Oct 30, 2020 @ 15:41
By

Hyun Bin pinarangalan ng Korea

Ginawaran ng award ng Korean government si “Crash Landing on You” star Hyun Bin.

Kasama niya bilang recipients ng Presidential Citation award sa 2020 Korean Popular Culture and Arts Awards sina actress Kim Hee-ae, Kang Ho Dong, Cheon Ho Jin, Kim Eun Hee at Kim Ki Pyo.

Nakatanggap naman ng Prime Minister Citation award ang Korean boy group na Seventeen, at sina actor Kang Ha Neul at actress Gong Hyo Jin.

Ang 2020 Korean Popular Culture and Arts Awards ay isang selebrasyon upang kilalanin ang mga artist na nakapag-contribute sa development ng Korean pop culture at sa pagpapalaganap ng Hallyu o Korean Wave, ayon sa article sa HelloKpop.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?