36

Jul 5, 2020 @ 12:10
By

Hyun Bin gustong ma-meet mga Pinoy fan

Alam ni “Crash Landing on You” star Hyun Bin na mahal ng mga Pinoy ang nasabing K-drama.

Kaya naman, una niyang gagawin pagdating sa Pilipinas ay kitain ang mga fan.

“I heard that ‘Crash Landing on You’ (CLOY) has received a lot of love from Filipinos. When I go to the Philippines, I would like to take the time to express my gratitude by meeting with my Filipino fans first,” wika ni Hyun Bin sa panayam sa Inquirer Lifestyle.

Si Hyun Bin, 37, ang bagong endorser ng Smart Communications at Bench.

Umaasa si Bench founder and CEO Ben Chan na mag-landing ang South Korean actor sa ating bansa sa dulo ngayong taon o early next year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?