38

Jun 18, 2020 @ 20:19
By

Hydroxychloroquine ligwak na bilang posibleng gamot sa COVID-19

Pinatigil na ng World Health Organization (WHO) ang pag-aaral sa hydroxychloroquine bilang posibleng gamot kontra coronavirus.

Lumabas kasi sa mga pag-aaral, na walang epekto sa coronavirus ang hydroxychloroquine, isang anti-malarial medicine, na gamot din sa lupus at rheumatoid arthritis.

“Hydroxychloroquine does not result in the reduction of mortality of hospitalized COVID-19 patients,” paliwanag ng WHO sa ulat ng NBC News.

Sa ngayon, isang gamot pa lang ang nagpakita ng pagiging epektibo sa mga pasyenteng may COVID-19, ang remdesivir.

Napapabilis umano ng remdesivir ang pagrekober ng pasyente.

Noong Martes, iniulat naman ng mga researcher mula sa University of Oxford sa England ang pagiging epektibo ng dexamethasone sa mga COVID-19 patient na naka-ventilator.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?