30

By

‘Hwayugi’ tuloy kahit sangkatutak ang kapalpakan, aksidente

Sharing is caring!

Halos nagkaisa sa pananalangin ang Airens, ang fans club ng Hallyu star na si Lee Seung Gi, sa loob ng mahigit isang linggo simula nang magkaroon ng aberya at krisis ang comeback drama nito na ‘Hwayugi’.

Nagkaroon ng pangamba na baka dahil sa nangyaring kapalpakan sa airing ng 2nd episode ng ‘Hwayugi’ noong December 24 at ang aksidenteng kinasangkutan ng isang crew noong December 23 filming ay ipatigil ang production ng Ministry of Employment & Labor sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Sobrang saya at pasasalamat ang naramdaman ng mga fans nang magdaos ng press conference ang Ministry of Employment & Labor na hindi nila ipatitigil ang drama.

Bahagi ng statement nila noong January 4, “The purpose of the press conference is not to stop the production of Hwayugi but to raise awareness about safety insensitivity, and to prepare measures.”

Kinabukasan naman, January 5 nagpahayag ang tvN at JS Pictures ng kanilang paumanhin at pag-anunsiyo na pagkatapos ng one week delayed, tuloy-tuloy na itong mapapanood. Enero 6, 9 p.m. Korean time, ay ipinalabas na nga ang episode 3 at ngayong gabi, same time, mapapanood ang 4th episode.

Dahil sa pangyayaring ito, sinigurado ng production na bukod sa pagdagdag ng direktor, magkakaroon daw ng isa o dalawang araw na pahinga sa isang linggo ang bawat staff.

Hindi naman na kami magugulat kung ang ipinalabas na episode 3 kagabi at ang episode 4 ngayon ay magiging mataas na naman ang ratings na maitatala tulad sa episodes 1 & 2 na parehong nag-number one sa ratings. Bukod sa pagiging sensational ng drama, mas lalo pang nasabik ang mga fans sa mga susunod na episodes.

Kasama rin sa ‘Hwayugi’ sina Cha Seung Won at Oh Yeon Seo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?