10

Feb 7, 2021 @ 15:17
By

Huwag n’yo akong isama sa usapang halalan – Go

Masyado pang maaga upang pag-usapan ang susunod na eleksiyon sa ngayon, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go.

Sa Laging Handa online press briefing kahapon, tinanong ang mambabatas kung may balak ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 national elections.

“Please count me out po. Huwag n’yo po akong isama dyan sa usapang eleksiyon,” tugon ni Go, Pebrero 6.

“Importante po malampasan muna natin itong pandemyang ito, dahil kung ‘di natin malalampasan itong pandemyang ito, wala na po tayong eleksyong pagu-usapan,” saad niya pa.

Ang importante aniya sa ngayon ay buhay ang mga Pinoy, malalampasan nila ang pandemya, at makababalik sila sa normal nilang pamumuhay.

“Huwag nating pag-usapan. Masyadong maagang pag-usapan ‘yung pulitika ngayon. Naghihirap pa po ang ating mga kababayan,” punto pa niya.

Noong 2018, hinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gustong maging senador ni Go, na kanyang long-time aide. Tinanggi ito ni Go noong una pero kalaunan ay inanunsiyong tatakbo nga siya sa pagkasenador sa ilalim ng PDP-Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?