2,210

By

Huwag niyo iboto ang weirdong si Alejano, magkukudeta lang ‘yan sa Senado – Duterte

Walang mapapala ang mga Pilipino sa mga sundalong naghahangad ng mas mataas na puwesto sa gobyerno.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Victorias City, Negros Occidental kung saan direktang pinangalanan si senatoriable Gary Alejano.

Ayon sa Pangulo, dapat tingnan ng mga botante kung ano ang magagawa nito kung makaakyat sa Senado.

Wala aniyang ginawa ang mambabatas kundi puro kritisismo at naghahanap ng mali pero wala naman itong nagawa para sa mga Ilonggo.

“Do not tinker with soldiers na out of this world. Weido ba, ito si Gary Alejano. Think of what he can do kung nandoon siya sa Senado. He just criticizes. Proven na ‘yan, and he has not done anything for you dito sa mga Ilonggo or for anybody else,” anang Pangulo.

Nagbabala pa ang Presidente na kapag inihalal ang potensiyal na diktador o troublemaker ay baka magkudeta na naman ang mga ito at walang mangyayari sa bansa.

“If you have got some potential dictators o troublemakers, baka mag-revolt. They keep on– baka mag-coup d’ etat na naman sila. This is not really the answer to the — what our problems in this life,” dagdag pa ng Pangulo. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?