175

Dec 31, 2017 @ 11:45
By

Huwag matakot sa TRAIN Law – solons

Pinawi ng ilang kongresista ang pangamba ng publiko sa nakatakdang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kina Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy at Iligan City Rep. Frederick Siao, may specific provisions sa 2018 national budget na layong maibsan ang impact ng TRAIN at isulong ang paglago ng ekonomiya.

Tinukoy ni Herrera-Dy ang Tax Reform Cash Transfer Program na alokasyon sa Department os Social Welfare and Development (DSWD) bukod pa sa pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“DSWD has a P1.184 billion Tax Reform Cash Transfer Program allocation aside from the P89.4 billion for the 4Ps program, P19.26 billion for indigent seniors, P3.42 billion for supplemental feeding, and P38.9 million for street children,” ani Herrera-Dy.

Binanggit rin ng kongresista na bukod sa pondo ng State Universities and Colleges (SUCs), meron pang P5.86 billion ang CHED para sa Tulong-Dunong grants and incentives, at P3.9 billion para sa college faculty na kukuha ng masteral at doctoral studies bilang bahagi ng K to 12 Transition program.

“Malaki rin ang budget sa 2018 para sa kalusugan ng mga pamilya. Sa DOH budget naman na P106 billion, P4.34 billion ang pondo para sa indigents at P15.5 billion ang para sa pambili ng mga gamot at bakuna,” sabi ng kongresista.

Sinabi naman ni Siao na merong P34 billion para sa turismo sa ilalim ng pambansang pondo sa susunod na taon.

“There’s P3 billion for the DOT and P31.97 billion for the Tourism Road Infrastructure Program,” ayon kay Siao.

“For workers in the tourism sector, the DoT has P160 million for tourism industry training. For the tourism entrepreneurs running hotels, resorts, restaurants and other establishments catering to tourists, the agency has P124 million for standards development and enforcement,” dagdag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?