127

Oct 29, 2019 @ 19:05
By

Huwag matakot sa Polio Vaccine – BH Party-List

Hindi umano dapat matakot ang mga nanay na pabakunahan ang kanilang mga anak kasunod nang deklarasyon ng polio epidemic sa bansa, ayon kay Bagong Henerasyon (BH) partylist Rep. Bernadette “BH” Herrera-Dy.

Sabi ng mambabatas, kung mababakunahan ang lahat ng mga bata sa buong bansa, muling maidedeklara ang Pilipinas na ‘polio-free’.

“Parents have nothing to fear with vaccination and that once all Filipino children across the country are administered the polio vaccine, then the Philippines could once again be polio-free,” ayon kay Herrera-Dy.

Nitong Martes, nakiiisa ang kongresista sa 1,000 motorcycle riders sa ginanap na Unity Ride2End Polio event sa Quezon City. Aniya, halos isang daang prosiyento ng mga bata sa lungsod na may edad limang taon pababay ay nabakunahan na naturang infectious disease.

Nauna nang nanawagan si Senador Pia Cayetano sa Department of Health (DOH) na gumawa ng hakbang para mahikayat ang mga nanay na pabakunahan ang kanilang mga anak kasunod nang deklarasyon ng polio epidemic sa Pilipinas.

Sabi ng senadora, kailangan umanong magsagawa na malawakang information drive and DOH at local government units para ipalaganap ang immunization program ng pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?