nazareno
By

Huwag magkalat sa kapistahan ng Itim na Nazareno

Sharing is caring!

Hinikayat ng grupong Ecowaste Coalition ang mga mananampalataya kay Hesus Nazareno na gawing sagrado at zero waste ang Traslacion ng imahe ng itim na Nazareno sa darating na Martes Enero A-9.

Ayon kay Zero Ecowaste Campaigner Daniel Alejandre, nakalulungkot isipin umano na hindi pa rin natututo ang mga deboto ng itim na Nazareno sa taun-taon nalang na Traslacion ng imahe ng itim na Nazareno mula Quirino Grandstand sa Luneta patungo sa Quiapo Church.

Paliwanag ni Alejandre, noong nakaraang Traslacion ng imahe ng itim na Nazareno umaabot sa 315 tonelada ng basura ang nahakot ng MMDA kung saan tinatayang 1,152 tonelada ng basura ang nahahakot araw araw sa Manila.

Samantala, tiniyak naman ni Father Ric Valencia, ang Head Minister ng Archdiocese of Manila Ecology Ministry ang patuloy na “green formation” ng Simbahan sa mga mananampalataya lalo na sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na panatilihin ang kalinisan tuwing isinasagawa ang Traslacion.

Aniya, mayroong Green Brigrade na isang grupo na binuo ng Quiapo Church upang magpaalala sa mga tao at tiyakin na magiging malinis ang dadaanan ng prusisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?