566

Dec 28, 2017 @ 19:32
By

Huwag magbigay ng limos – CBCP

Kahit may pera at mapagkawanggawa, hindi hinihikayat ng Simbahang Katoliko ang pagbibigay ng limos sa lansangan at pampublikong sasakyan.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs, ang mga limos sa mga lansangan ay walang katiyakan na talagang bumabagsak sa mabubuting kamay o nagagamit sa tamang paraan.

Ito ang kanyang payo sa mga nagdadalawang isip na magbigay ng limos sa mga batang lansangan at pulubi na nagkalat ngayon Kapaskuhan.

Dagdag ni Secillano makakabuti kung ang donasyon ay direktang ibibigay sa mga charitable institutions o groups dahil garantisado ang pera ay maayos na magagamit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?