0
views

By

Huwag kulong nang kulong sa lumabag sa ordinansa – CBCP exec

Sharing is caring!

May mungkahi ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay ng mga nahuhuling lumalabag sa mga ordinansa.

Para kay Bro. Rudy Diamante, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care, hindi pagkabilanggo ang dapat na maging tugon sa mga lumalabag sa ordinansa.

Mas mainam aniya na gawing community-based ang pagtugon ng mga awtoridad.

Sa pamamagitan nito ay maisusulong ang restorative approach sa mga nakakagawa ng maliit na paglabag.

Mainam din umano ang pakikilahok ng mga barangay sa pagtugon sa mga nasabing paglabag para kahit paano ay masolusyunan ang siksikan ng mga preso sa mga piitan sa bansa.

“Huwag laging kulong nang kulong, for example ngayon violation lang ng ordinance ay bakit ikukulong mo pa, puwede naman ‘yang i-refer sa barangay and then to provide a certain kind of community base treatment in coordination with the law, ‘yun ‘yung ina-advocate natin more of restorative hindi lang custody lagi ang nasa isip kasi nila ‘you secure the community by putting people in prison’ hindi naman kailangang ikulong kasi mayroong community-based…” saad ni Bro. Diamante sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa ulat ng Commission on Audit (COA), sobra nang mahigit 600-percent ang kapasidad ng mga kulungan ng Bureau of Jail Management (BJMP) and Penology noong 2017.

Ayon sa COA, umaabot na sa mahigit 146,000 ang bilang ng mga detinido gayong ang mga kulungan ng BJMP ay mayroon lamang kapasidad na mahigit 20,000. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?