51

Dec 1, 2017 @ 18:46
By

Huwag kaming sisihin sa malalang trapik – Grab

Bakit kami lang ang sinisisi?

Ito ang tanong ng transport network company (TNC) na Grab Phils., kaugnay sa pagsisikip ng mga lansangan sa Metro Manila.

Sinabi ni Grab Country Head Bryan Cu, sa pagbubukas ng kanilang call center sa Makati City, dapat magkaroon ng ‘scientific study’ sa problema ng trapiko sa Metro Manila.

Aniya simula noong nakaraang Agosto ay hindi na sila nagdagdag ng ‘partners’ base sa utos ng LTFRB at giit nito hindi naman nagbago ang lagay ng traffic sa Kalakhang Maynila.

“We stopped adding cars in August. Has traffic gotten better or worse? Traffic has gotten worse. So it’s not the TNCs or the TNVS (Transport Network Vehicle System). Hindi na nagdagdag e pero bakit sumasama pa traffic?” hirit pa ni Cu.

Banggit pa nito, ang biyahe nila na dating 38 minuto nitong nakalipas na anim na buwan ay naging 45 minuto na.

Samantala, sinabi pa ni Cu na ngayon Kapaskuhan, inaasahan nila na tataas hanggang 30 porsiyento ang pangangailangan para sa mga app-based transport services kayat malaking tulong ang kanilang 200 representatives sa kanilang call center. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?