43

By

Huwag judgmental: Nakaiwan ng alagang hayop sa Taal dinepensa ni Ethel Booba

Idinepensa ng komedyanang si Ethel Booba ang mga Batangueño na nakaiwan ng kanilang mga alagang hayop sa pagsabog ng Taal Volcano.

Sa kanyang Twitter post sinabi ni Ethel na siguro nama’y gusto ng mga Batangueño na isama at iligtas ang alaga nilang hayop pero maaaring wala nang oras dahil sa agarang paglikas sa kanila o ‘di kakasya sa sasakyan ng rescue team.

Ganito rin ang pananaw ni @iamginafrias.

Aniya: “Syempre uunahin nila ang pamilya nila muna bago ang hayop bakit kailangan panagutin sa batas di naman nila kagustuhan yun.”

Giit naman ni @kngktrn: “O nga naman sino ba naman ang gusto iwan ang kanilang kabuhayan. Habang sila ay nagmamadali sa paglikas, itong mga potang inang commentators mahimbing ang pagtulog, sana wag na dagdagan ang kanilang problema mga puking ina.”

“Pano yun, yung sa kagustuhang maligtas ng may ari mga alaga nilang hayop yung may ari naman ang napahamak. may pananagutan rin ba sa batas ang mga hayup?” comment ni @iamrrjay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?