30

Jun 2, 2020 @ 15:16
By

Huwag higpitan ang mga matatanda – Angara

Kasunod ng ulat na nahihirapan ang mga senior citizen na makalabas sa ilalim ng general community quarantine, pinaalalahanan ni Senador Sonny Angara ang mga awtoridad na maaari pa rin silang payagang lumabas ng bahay para bumili ng kanilang mga pangangailangan.

“The guidelines for areas under GCQ are very clear. Senior citizens and persons below 21 years of age, while required to continue staying inside their homes, are allowed to go out to buy essential goods like food and medicine and to obtain essential services,” sabi ni Angara.

Ginawa ng senador ang reaksiyon matapos maiulat na ilang senior citizen ang hindi pinayagang makasakay sa public transport tulad ng MRT-3 at LRT lines.

“Clearly getting their pensions and important government documents are considered essential. Common sense lang ang kailangan dito,” ayon kay Angara.

“Hirap na nga ang mga seniors natin na nakakulong lang sa mga tahanan nila ng halos tatlong buwan tapos sa bihirang panahon na kailangan nilang lumabas ay pahihirapan pa din sila,” saad pa nito.

Si Angara ang isa sa mga author ng Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizen’s Act of 2010, na nagbibigay ng dagdag pang mga benepisyo at prebilihiyo sa mga matatanda sa bansa.

“Patuloy pa din dapat ang pagbibigay priority sa mga seniors as pila sa mga grocery at botika at sa pagsakay sa public transport tulad ng MRT,” ani Angara.

“Wala naman patakaran na nagbabawal sa kanila na sumakay sa mga public transportation basta ang pakay nila ay pasok sa guidelines ng IATF,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?