33

Apr 14, 2020 @ 10:21
By

Huwag bumili ng labis na supply ng gamot – Laban Konsyumer

Hiniling ng Laban Konsyumer Inc. (LKI) sa mga mamimili na huwag bumili ng labis na supply ng gamot ngayong umiiral ang coronavirus pandemic dahil posibleng maapektuhan nito ang iba pang consumer na nangangailangan din ng gamot.

Humingi rin ng kasiguruhan ang grupo sa pamahalaan at pribadong sektor kaugnay sa sapat na supply ng gamot lalo na ang mga nasa ilalim ng Maximum Drug Retail Prices (MDRP) na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Amidst Covid 19, consumers sees a big relief and financial assistance on reduced prices of medicines. Thanks to Executive Order No. 104 , which was signed by the President on February 17, 2020 , or the Maximum Drug Retail Prices,” sabi ng LKI.

Dagdag nito, “LKI called on the government and the private sector to assure consumers of continuous and adequate supply of medicines . The reduced prices will help patients, many of whom are facing financial difficulties due to the Covid 19.”

Kabilang sa MDRP na kinaltasan ng 50% ay mga gamot para sa hypertension, diabetes, cancer, asthma, at analgesics.

Kaugnay nito, sinabi rin ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na nagkaroon ng artipisyal na shortage sa mga vitamin at ilang gamot dahil sa mataas na demand.

“While we understand concerns of patients, stockpiling beyond their current need for a given period will not help improve the medicine supply situation in the country,” sabi ng PHAP.

Hinimok ng PHAP ang mga consumer na bumili lang ng gamot na sapat sa kanilang pangangailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?