17

May 3, 2021 @ 13:20
By

Huwag asal bata! Locsin inokray sa pagmumura sa China

Hindi nagustuhan ng isang East Asian security expert ang mga patama ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa China.

Sa tweet ni Locsin, sinabi nito na dapat umalis ang China sa teritoryo ng Pilipinas at nilarawan ang naturang bansa na ‘ugly oaf’.

“China, my friend, how politely can I put it? Let me see… O…GET THE FUCK OUT. What are you doing to our friendship?” giit ng DFA secretary.

“You’re like an ugly oaf forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend; not to father a Chinese province,” aniya pa.

Kinuwestiyon naman ni Quincy Institute, East Asia program director Michael Swaine ang paraan ng pakikipag-usap ni Locsin sa China.

Saad ni Swaine, pinapahiya umano ni Locsin ang sarili niya pati ang Pilipinas sa paggamit ng lengguwahe ng isang ‘school boy’.

“Your job is to defend your nation’s interests by using diplomacy, not the language of a school boy.  This is embarrassing for you and your country,” patama ni Swaine.

Tugon naman ni Locsin, hindi na uubra ang diplomasya, at paraan niya umano ito para mapakitang seryoso siya sa kanyang mensahe.

“But I get things done. my point across crystal. They can feel the sincerity in the scurrility. Usual suave diplomatic speak gets nothing done; it’s real aim is to find a post-retirement job in a multilateral talk shop for the diplomat when put out to pasture,” depensa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?