22
ABANTE noynoy aquino saf44 hustisya
By

Hustisya sa SAF 44 hangad ng Palasyo laban kay Aquino

Sharing is caring!

Umaasa ang Malacañang na gugulong pa rin ang hustisya para sa 44 na commando ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) kahit hindi natuloy ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Sandiganbayan.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, mahalagang masunod ang rule of law upang mabigyan ng pagkakataon ang magkabilang panig na ipaliwanag ang kanilang katwiran at argumento sa malagim na sinapit ng 44 na SAF commando sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Ang dating Pangulong Aquino kasama si dating PNP-SAF Commander Getulio Napeñas ay nahaharap sa kasong Anti-Graft and Corruption at Usurpation of Official Functions dahil pinayagang makialam sa Oplan Exodus ang noon ay suspendidong dating PNP Chief Alan Purisima na ikinasawi ng 44 na miyembro ng SAF.

Nagpasya ang Sandiganbayan Fourth Division na ipagpaliban ang arraignment ng dating Pangulo para bigyang-daan ang pagdinig sa kanyang inihaing motion to quash noong January 4.

Batay sa rules of proceedings, kailangang resolbahin muna ng hukuman ang ano mang nakabinbing motion at petisyon bago isailalim sa arraignment ang isang akusado.

Nauna ng nabasahan ng sakdal sa Sandiganbayan ang kapwa akusado ng dating Pangulo na si dating PNP Chief Purisima noong February 2017. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?