1,092
Hustisya para kay Maddie Madayag! - sigaw ng mga netizen
By

Hustisya para kay Maddie Madayag! – sigaw ng mga netizen

Naging usapan sa social media ang hindi pagkakagawad ng 1st Best Blocker award para kay Ateneo Lady Eagle Maddie Madayag sa UAAP Season 81.

Tumapos lamang bilang 2nd Best Blocker si Madayag, nakuha ni National University volleybelle Roselyn Doria ang 1st Best Blocker award.

Kung stats ang titingnan, si Madayag ang nangunguna pagdating sa blocks. 44 kill blocks ang inilista ni Maddie, 37 naman kay Roselyn.

Samantala, mas mataas din ang average by set ni Madayag (0.86) kumpara kay Doria (0.69).

Dahil dito maraming mga netizen ang hindi makapaniwala sa naging resulta ng awarding at nais ng eksplenasyon ukol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?