129

Feb 6, 2019 @ 16:37
By

‘Hunger Games’ actress Jennifer Lawrence ikakasal na

Magiging misis na si Jennifer Lawrence.

Kinumpirma ng E! News na engaged na ang bida sa “The Hunger Games” sa boyfriend nitong si Cooke Maroney.

Naging headlines ang mga espekulasyon ng pagtanggap ni Jennifer, 28, sa proposal ni Cooke, 34, nang maispatan ang una na may suot na malaki umanong singsing.

Unang na-link si Jennifer sa art gallerist na si Cooke noong June 2018.

Nagkakilala umano ang dalawa at nag-date noong 2014 Oscars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?