34

By

Humpback whale nagpasikat sa mga turista

Kamangha-mangha ang pagtalon ng isang humpback whale sa harap ng isang barko na puno ng turista sa Vava’u, Tonga.

Nakuhaan ng video ni Cassie Jensen ang dramatikong eksena at nag-viral ang footage sa social media.

Makikita kung pano tumalon ang balyena patungo sa ere bago nabasa nang kaunti ang ilang sa mga turista.


Ayon naman sa isang whale watching enthusiast na si John Goodridge sa Cater News, kakaiba umano na patayong tumalon ang balyena, “Whales usually breach to the side. But this one came up perfectly vertical.”

Dagdag niya na ang napakalaking sukat ng humpback whale kumpara sa barko na makikita sa larawan ay nagpapatunay kung gaano kaliit ang mga tao kumpara sa mga matatandang balyena.

Aniya, may 70 na tao sa whale-watching boat nang mangyari ang nakakamanghang kaganapan.

Ayon kay Goodridge, sa 3 taon niyang kumukuha ng mga litrato ng balyena sa Australia ay wala pa siyang nakikitang ‘kahit anumang bagay na katulad nito’.

Dagdag ni John na ang humpback whale ay marahil 8-taong gulang, na may timbang na higit sa 20 tonelada at may sukat na siyam na metro (30ft).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?