103

Sep 14, 2020 @ 21:18
By

Humingi raw ng pera kina Manny, Jinkee: Jimuel pinagtanggol ex-GF

Nilinaw ni Jimuel Pacquiao ang isyu tungkol sa paghingi umano ng pera ng dati niyang girlfriend na si Heaven Peralejo sa parents niyang sina Senador Manny Pacquiao at Jinkee.

Batay sa Instagram post ng showbiz writer na si Lolit Solis, Sept. 12, humingi ng tulong sa senador si Heaven at binigyan din daw ni Jinkee ng P100,000.

Sa isa pang post noong Sept. 13, sinabi ni Solis na pinabura ni Jinkee ang post tungkol sa pagbibigay nito ng P100,000 kay Heaven matapos umani ng mga negatibong reaksyon.

“Never ako nagbura ng post kasi nga pinapanindigan ko ang bawat sabihin ko,” wika ni Solis.

Pinagtanggol din daw ng manager ni Heaven na si Ogie Diaz ang aktres at sinabing imposibleng magkaroon ng problema sa pera ang kanyang alaga dahil may mga endorsement pa ito.

Sabi ni Jimuel sa kanyang Instagram Story, Sept. 14, hindi ganoong klase ng babae si Heaven.

“I would like to clarify that the issue posted by Lolit Solis about Heaven is false. There was no money given and there was no communication. We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up. She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?