112
maine-mendoza1
Apr 4, 2018 @ 18:21
By

‘Humans of Barangay’ ni Maine umani ng papuri sa mga fan

Patuloy na umaani ng papuri sa netizens ang Facebook page na nilikha ni Maine Mendoza para sa latest advocacy niyang Humans of Barangay. Nagsilbing inspirasyon sa Phenomenal Star ang pagiging bahagi niya sa Juan For All segment ng Eat Bulaga kung saan iba’t bang tao ang kanyang nakikilala at nakakasalamuha.

Narito ang ilang reviews sa proyekto ni Meng na nakalagay sa FB page ng Humans of Barangay:

“The new project of Maine serves as an inspirational platform for people regardless of nature in life. We learn a thing or two from when we hear them…” – Judes Biscocho.

“Despite the difficulties of being in different barangays everyday, the scorching heat of the sun, the harsh winds and rain on stormy days, the big crowd that can get rough on you on times, you had repeatedly said that it was your choice to be part of Team Juan- For- All with your Kuya JoWaPao, that reason made me proud of you…

“Maine, you inspire, not only the people in bara­ngay but more so, the Eat Bulaga viewers and our fans to make this world a better place by acts humanity, one project at a time. Fort his, I must say, I am the proudest fangirl moment. You are indeed that girl, Maine Mendoza. You’re heart is one of a kind,” bahagi ng review ng Katrina Valerio-Sampang.

Apat na kuwento ang ibinahagi ni Maine sa launching ng project, kabilang na ang kuya niyang sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros at magkaibigang bading. Tungkol sa paglaladlad bilang bading ang pahayag ni Paolo.

“Ang paglaladad personal choice yan, hindi yun maididikta ng kahit sino…” bahagi ng pahayag ni Paolo.

“Huwag maging mapusok ang kabataan. Pag-isipan lahat ng bagay lalo na sa mga desisyon sa buhay. Huwag tayo sugod ng sugod…At la­ging tandaan…sa buhay tatlong A lang yan: Ambisyon, Abilidad, Agrikultura. Hindi, Aksyon, Aksyon!” parte ng saad ni Jose.

“Best thing bilang komedyante yung saya, kumbaga nakakapagpasaya ka ng tao. Magaan ‘yun para sa akin. Yun nga lang minsan, kahit seryoso ka na, hindi ka pa din siniseryoso ng mga tao. Kasi nga komedyante ka,” say naman ni Wally.

Umaasa naman ang netizens at ibang humahanga kay Maine na maisasalin niya sa isang libro ang compilation ng mga kuwentong nakuha sa kanyang Humans of Barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?