305

Jan 6, 2022 @ 17:30
By

Human Rights Institute hindi pinondohan ni Duterte – Bayan Muna

Inalisan ng pondo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng 2022 national budget ang pagtatayo ng Human Rights Institute sa ilalim ng Commission on Human Rights (CHR).

Para kay Bayan Muna senatorial candidate at chairperson Neri Colmenares, ang ginawang ito ni Duterte ay regalo niya sa pamilya Marcos at hakbang upang pagtakpan ang kanyang mga ginawang paglabag sa karapatang pantao.

“Only the Dutertes and the Marcoses benefit the most with this veto with their electoral bids, while the people remain powerless,” sabi ni Colmenares.

Ang institute na itatayo ng CHR ay naglalayong ipakita ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa at maipaalam sa publiko ang kanilang mga karapatan.

“By defunding this CHR project, President Duterte slowly erases all accountability of the Marcoses and his faults to the human rights community. He remains unapologetic over the deaths of his drug war. He instigates human rights violations through the NTF-ELCAC, and anything that strengthens human rights is an allergy to President Duterte,” sabi ni Colmenares.

Kung meron man umanong dapat na alisan ng pondo ito ay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ang P17 bilyong pondo nito ay dapat gamitin na lamang umano sa pagbibigay ng libreng COVID-19 test.

“This task force has only been an irresponsible institution that has only promoted the violation of human rights under the Duterte regime,” wika pa ni Colmenares.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?