42

Oct 8, 2021 @ 13:55
By

Human rights, good governance paplantsahin ni De Lima sa Senado – spox

Kasama sa isusulong ni Senadora Leila De Lima para sa kanyang re-election sa Eleksiyon 2022 ang human rights, good governance, at social justice.

Ito ang ipinahayag ng kanyang legal counsel at spokesman na si Atty. Dino de Leon.

Aniya, balak rin ni De lima na “protektahan ang demokrasya na sinira ni Duterte.”

Nito lamang Biyernes ng umaga naghain ng certificate of candidacy si De Lima sa pamamagitan ng kanyang spokesman.

Target ng detained official na gumarahe muli sa Senado. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?